Tatapatan ng Population Commission o POPCOM ang paglobo ng kaso ng mga kabataang maagang nabubuntis.
Ipinabatid ni POPCOM Executive Director Antonio Perez III na ang kumprehensibong sexuality education o pang malawakang pagtuturo ang pinakamabisang sandata laban sa mga kaso nang maagang nabubuntis.
Sinabi ni Perez na pangunahing dahilan nang maagang pagbubuntis ang pagka lulong sa iligal na droga at hindi maayos na paggamit ng teknolohiya.
Batay sa 2014 Vital Registry of the Philippines, tumaas ng mahigit 6,000 ang kaso ng teenage pregnancy at ang CALABARZON o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang nangungunang rehiyon sa teenage pregnancy.
By Judith Larino