Inaasahan ng Labor Department na muling tataas ang bilang ng mga mawawalan ng trabaho sa muling pagsasailalim ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Sinabi ni Labor Usec. Dominique Tutay, malaking kawalan ito sa gumagandang employment rate sa NCR nitong mga nakalipas na buwan.
Mula sa 46,000 na walang trabaho sa Metro Manila noong Marso, bumaba ito sa 36,000 ng sumunod at nitong hulyo ay nasa 27,000 na lamang.
Aniya, malaki ang magiging epekto sa ekonomiya kahit dalawang linggo lang iiral ang ECQ sa NCR.