Nangatwiran ang Department of Social Welfare and Development kung bakit tumaas ang bilang ng mga pilipinong nagutom sa unang quarter ng 2025.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng hunger rate sa bansa ay ang pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Gayunman, sinabi ni Asec. Dumlao na kinikilala nila ang mga pagsubok na nagaganap sa bansa kung kaya’t ginagawa na aniya nila ang lahat ng hakbang upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga pinakamahihirap na sektor.
Nakikipagtulungan na rin aniya ang DSWD sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan, partikular na sa Department of Education upang maisama ang kanilang programa sa pagtugon sa problema sa kagutuman, sa pamamagitan ng feeding program.
Nabatid na sa pinakahuling survey na inilabas ng social weather system, 27.2% ng mga Pilipino ang nagsabing nakaranas sila ng gutom sa unang quarter ng taon. —sa panulat ni John Riz Calata