Naniniwala si IBON Foundation Executive Director Sonny Africa, na hindi sapat ang mataas na bilang ng mga negosyong nagparehistro para muling maibangon ang ekonomiya ng bansa.
Kasunod ito ng naging resulta ng SWS survey na nagsasabing apat sa sampung pamilyang pilipino ang naniniwalang sila ay nananatiling mahirap.
Sinabi pa ni Africa na dapat ay mabigyan ng ayuda ang mga maliliit na negosyo lalo na ang mahihirap na pamilya upang makasabay sa muling pag-angat ng ekonomiya.
Ayon kay Africa, mahalaga parin sa bansa ang pagpapaigting ng health and safety measures ngayong pandemiya lalo pat may banta narin ng Omicron variant. —sa panulat ni Angelica Doctolero