Nararanasan ngayon sa buong mundo ang pagtaas ng bilang ng mga overweight at obese.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Jovita Raval, pinuno ng National Nutrition Council Nutrition Information and Education Division, na hindi lamang ang sobrang pagkain ang dahilan ng labis na pagtaba ng isang tao.
Sinabi pa ni Raval na mas mataas aang tyansa ng mga ito na magkaroon ng ibang sakit gaya ng diabetes, sakit sa puso, at iba pa.
Hinimok naman ni Raval ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ordinansa upang ipagbawal ang pagbebenta ng mga hindi masusustansiyang pagkain malapit sa mga paaralan lalo’t malapit na ang pagbabalik ng face-to-face classes.
Dapat rin aniyang magtulungan ang Department of Education at DSWD upang maisulong ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon ng mga bata.