Ikinaalarma ng United Nations (UN) ang pagtaas sa bilang ng mga out of school youth o mga kabataang hindi nakakapag-aral sa buong mundo.
Ayon kay UN Deputy Secretary General Amina Mohammed, nasa 258M kabataang may edad 16 pababa ang hindi nakapag-aaral.
Habang batay rin sa datos ng UN, tanging 49% lamang ng mga kabataan ang nakakapagtapos sa secondary education o highschool.
Dagdag pa ni Mohammed, nasa 770M mga adults din sa buong mundo ang illiterate o hindi marunong magbasa at magsulat.
Sinabi ni Mohammed, hindi lamang aniya nakakaalarma ang milyon-milyong bilang ng mga hindi nakakapag-aral kundi maging ang mga kabataan at mga nakatatandang na nawalan din ng pagkakataong matuto o mag-aral.