Ipinagmalaki ng Malakaniyang ang pagtaas ng bilang ng mga may trabaho o employment rate ng Pilipinas nuong Abril
Ayon iyan kay Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority
Batay sa datos, pumalo sa 94.5 percent ang employment rate nuong buwan ng Abril o mahigit 40 milyong mga Pilipino ang mayruong trabaho
Ibig sabihin, sinabi ni Roque na katumbas iyon ng pagbaba ng unemployment rate o bilang ng mga tambay o walang tarabaho sa 5.5 percent na pinakamababa kumpara sa pinakahuling labor force survey