Inihayag ng OCTA research team na nagsisimula nang tumaas ang bilang ng COVID-19 infections sa National Capital Region (NCR) sa pagtatapos ng holiday season.
Base sa datos, 554 ang new cases na naitala sa NCR noong nakalipas na Huwebes, December 31 habang 404 naman noong Biyernes, Enero 1 ng taong 2021.
Mas mataas umano ito kumpara sa 320 average new cases na nai-record ng ahensya sa NCR mula December 26.
Pahayag ng OCTA research team, na ang pagtaas ng COVID-19 cases na ito ay epekto ng pagbabawas ng personnel o kaya’y pansamantalang pagsasara ng mga testing centers dahil sa holiday season.
Kaya, ayon sa team, asahan na ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa unang linggo ng Enero bunsod nang pagbabalik na sa normal operation ng mga testing centers sa bansa.