Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa ang healthcare system ng bansa sa pagsirit ng COVID-19 cases matapos ang holiday season.
Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na naka-alerto ang lahat ng mga ospital sa bansa para dito at mayroon din aniyang mga nakahandang gamot para sa mga severe COVID-19 cases.
Binigyang diin naman ng opisyal na 94% ng populasyon ng bansa ang fully vaccinated na nagsisilbi aniyang protective measure sakaling magkaroon muli ng COVID-19 surge.
Makatutulong din aniya ang patuloy na pagsusuot ng face mask gayundin ang pagpapaturok ng booster shots.