Asahang tataas pa ang covid-19 cases sa sandaling bumalik na sa klase ang milyun-milyong estudyante, simula Agosto a – 22.
Sa panayam ng DWIZ kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, inihayag nitong hindi na dapat ikabigla ang muling paglobo ng covid infections.
Ayon kay David, dapat nang masanay ang publiko na mamuhay kasama ang covid-19 at hindi naman habang-buhay dapat matakot, lalo ang mga batang magbabalik-eskwela.
Gayunman, dapat anyang maging maingat ang lahat, partikular ang mga may commorbidity.
Dapat na ring magpabakuna o booster na ang mga hindi pa natuturukan ng covid-19 vaccine.