9 na lugar sa Metro Manila ang nakitaan ng Department of Health ng pagtaas ng bagong kaso ng Covid-19.
Gayunman, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa kabuuan ay negatibo pa rin ang Metro Manila sa Covid-19 case growth rate.
Ang negative growth ay indikasyon na pababa ang kaso ng virus habang ang positive growth rate ay pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Mataas pa rin aniya ang average daily attack rate o ang bilang ng mga tinatamaan ng Covid-19 sa kada 100,000 persons sa NCR na nasa 7.4.
Hindi naman pinangalanan ni Vergeire ang mga lugar sa Metro Manila na may mataas pa ring bilang ng bagong Covid-19 cases. —sa panulat ni Drew Nacino