Asahan na ang pagtaas pa ng bilang ng mga matutuklasang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga susunod na araw.
Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, bunga ito ng pagdami ng ng testing kits at laboratoryo na puwedeng magproseso ng mga kinunan ng COVID-19 tests.
Ngayong linggo anya inaasahang darating ang iba pang testing kits na donasyon ng Singapore at iba pang foundations sa iba’t ibang mga bansa bilang karagdagan sa 100,000 testing kits na na natanggap na noong nakaraang linggo.
Dahil dito, magkakaroon na anya ng sapat na kakayahan ang Department of Health (DOH) na suriin ang lahat ng mga pinaghihinalaang carrier ng coronavirus upang agad silang ma-isolate.
Ibig sabihi, ‘yung mga positibo po –‘yung mga kaso na dati pa ay dapat na nadedetect natin ay nakikita na natin sa ngayon because of our expanded capacities sa laboratories, so, tumataas po sya at ineexpect po natin na patuloy pang tataas sa mga darating na araw,” ani Vergeire.
Mula naman anya sa kasalukuyang anim na laboratoryo ay marami pang laboratoryo na puwedeng magproseso ng mga COVID tests ang nakatakdang magbukas sa susunod na linggo.
Sinabi ni Vergeire na karagadan ito sa apat na laboratoryo na binuksan na noong nakaraang linggo sa Davao, Cebu, Northern Luzon at isa pa sa Metro Manila.
Magbubukas na ang Lung Center of the Philippines, ang UP NIH po ay nagbukas na rin last week. We are expecting na within the week makapagbukas pa po tayo ng private laboratories naman na nakita nating capable naman sila,” ani Vergeire.