Nagbabala ang Octa Research team sa posibleng pagtaas muli ng COVID-19 cases sa Cebu dahil sa ipinatupad na opsyonal na pagsusuot ng face mask.
Ito’y ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, na sa kabila ng pananatili ng Cebu sa low risk classification at mababang positivity rate at health care utilization rate.
Iginiit ni David na walang naka-aalam kung mananatili ang ganitong sitwasyon sa lalawigan lalo’t tumataas ang COVID-19 cases sa Metro Manila.
Posible aniyang makapasok sa Cebu ang virus mula sa Metro Manila sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, ipinaalala ni David sa mga residente sa Cebu na ugaliin pa ring magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay.