Inihayag ni OCTA Fellow Dr. Guido David na ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay itinuturing na bunsod ng “valentine’s spike.”
Ayon kay David, ang naitalang 632 na bagong mga kaso ng virus sa rehiyon na naitala noong Miyerkules ay mataas kumpara sa kanilang previous projections.
Batay sa datos ng grupo, ang NCR ang may pinakamaraming bilang ng bagong kaso ng COVID-19, sinundan ng Iloilo na may 169 at Cebu na may 131 new cases.
Kaugnay nito, hinimok ni David ang publiko na sundin pa rin ang health protocols dahil hindi pa rin nawawala ang banta ng virus.