Patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Aklan.
Naaalarma na tuloy ngayon ang Provincial Health Office ng naturang lalawigan dahil umakyat na sa 365 ang kaso ng dengue ngayong taon.
Sinasabing mas mataas ito ng 200 kumpara sa kaparehong period noong 2015.
Nangangamba naman ang mga kinauukulan sa Aklan na tataas pa ang naturang bilang ngayong darating na pasukan.
Dahil dito, pinapayuhan ng pamahalaang panlalawigan ng Aklan ang kanilang mga mamamayan na maglinis ng kanilang kapaligiran upang hindi pamahayan ng mga lamok na nagdadala ng dengue.
By Ralph Obina