Mahigpit na binabantayan ng Health authorities ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Eastern Visayas –maliban sa banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Ayon sa Department of Health (DOH)-Eastern Visayas, nakapagtala na ng mahigit 1,000 kaso ng dengue sa nasabing rehiyon sa taong ito, kung saan dalawa na ang nasawi.
Naitala mula sa lalawigan ng Leyte ang pinakamaraming bilang ng mga biktima ng dengue.
Subalit sa kabila ng mataas na bilang ng kaso, sinabi ni DOH-Region 8 information officer John Paul Roca na 41% pa rin itong mas mababa kumpara sa parehong petsa noong nakalipas na taon kung saan naitala ang 2,020 kaso.