Pumalo na sa 82 porsyento ang Excise Tax Collection ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong nakaraang buwan ng Enero.
Ito ang ipinagmalaki ng Malakanyang bunsod na rin ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nadagdagan ang kita ng pamahalaan ng mahigit 20 Billion Pesos na higit pa sa target collection ng BIR na 20.501 Billion Pesos nitong Enero.
Bukod dito, tumaas din ang incremental revenue ng pamahalaan nang hanggang 30 porsyento.
Sinabi naman ni Roque na gagamitin ang nasabing kita bilang karagdagang pondo sa mga social protection program ng pamahalan tulad ng conditional cash transfer at Pantawid Pasada Program.
Krista de Dios/ Jopel Pelenio / RPE