Lusot na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang magtataas sa excise tax rates ng alcoholic drinks, heated tobacco at vape sa bansa.
Sa botong 184 na yes , 2 sa no at isa ang nag-abstain lumusot ang house bill 1026 o an act amending the national revenue code of 1997 kung saan nakasaad na itaas sa 6 pesos at 60 centavos ang excise tax na ipinapataw sa mga alcoholic drinks kumpara sa kung ano ang ipinatutupad sa ilalim ng republic act 10351 o ang excise tax reform law on tobacco and alcohol.
Kapag naging ganap na batas simula sa january 2020 magkakaroon ng ad valorem rate na 22 percent kabilang na ang specific tax rates per proof liter ng 30 pesos, 35 pesos, 40 pesos at 45 pesos mula sa 2020 hanggang 2023 para sa mga distilled spirits ay tataas ng 7 percent kada taon simula 2024.
Inaprubahan din ang 650 pesos na unitary rate para sa sparkling wines.
Samantala itinaas naman sa 2 pesos at 10 centavos ang buwis sa mga still at carbonated wines habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14 percent ay may 4 pesos at 10 centavos na pagtaas.
Papatawan na rin ng buwis ang vape at e cigarettes products kung saan simula January 1, 2020 ang 10ml na individual cartridge, refill, pod o container ng vapor products ay papatawan ng 10 buwis at kung lalampas naman ito sa 50ml ay papatawan naman ng 50 pesos na buwis at karagdagan pang 10 piso kada additional 10ml.
80% ng kita rito ay mapupunta sa pagpapatupad ng universal health care law at ang natitirang 20% ay paghahatian ng mga lalawigan na nagtatanim ng tobacco at para sa mga programa na magpo promote sa ibang pagkakakitaan ng mga magsasaka ng tobacco.
With report from Jill Resontoc.