Pinag-aaralan ng Malacañang ang mungkahi ng Department of Finance na magtaas ng Excise Tax sa gas, bunsod na rin ng pagbaba ng presyo ng gasolina sa world market.
Kaugnay nito, sinabi ni Budget secretary Benjamin Diokno na hindi lang sa gasolina dapat magtaas ng excise tax kundi pati rin sa diesel.
Hindi aniya kasi dapat nasasanay ang bansa na mura ang gasolina dahil nag-iimport ang Pilipinas ng produktong petrolyo.
Pero, sinabi ni Diokno na nasa prerogative pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung papayagang magtaas ng excise tax.
Pinawi naman ng Kalihim ang agam-agam ng ordinaryong mamamayan sa naturang plano dahil kapag tumaas ang excise tax, mababalanse ito ng pagbaba ng presyo ng gasolina kaya halos walang magiging pagbabago.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 23) Aileen Taliping