Nagpasalamat ang Malakaniyang sa mga tax payers dahil sa pagtulong nito sa pamahalaan para maabot ang pinakamataas na tax effort ng Pilipinas sa loob ng 11 taon.
Ito’y makaraang i-ulat ng Department of Finance sa palasyo na tumaas ng 14.3 percent ang GDP o Gross Domestic Product ng Pilipinas nuong isang taon na nagmula sa buwis.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas mataas ito ng 0.6 percent yearly average kumpara sa 0.3 percent na naitala nuong nagdaang Aquino Administration.
Kasunod nito, tiniyak ng Palasyo na hindi mauuwi sa wala ang ibinabayad na buwis ng mga manggagawa at maka-a-asa aniya ang publiko na ibabalik ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng magandang serbisyo.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio