Mahigpit na mino-monitor ng Regional Tripartite Wage Productivity Board (RTWPB) ang pagtaas ng inflation.
Ito ayon kay Labor secretary Bienvenido Laguesma ay para mabatid kung kailangan ang dagdag suweldo sa gitna na rin nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Gayunman, ipinabatid ni Laguesma na kaka-apruba lamang ng RTWPBs sa dagdag sa minimum wage na karamihan ay epektibo nitong nakalipas na limang buwan at ibinibigay nang paunti-unti.
Inamin ni Laguesma ang aniya’y erosion ng real wages bilang kunsiderasyon sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, utilities at transportasyon.
Binigyang diin ni Laguesma na dapat balansehin ang pangangailangan ng mga manggagawa sa kapasidad ng mga employer sa gitna na rin ng mga panawagang wage hike.
Una nang isinulong ng Labor groups ang dagdag na isandaang pisong across the board wage increase matapos maitala ang 14 year high inflation na 7.7% nuong Oktubre.