Nagpahayag ng pangamba ang Philippine National Police o PNP sa pagtaas ng insidente ng online child sexual exploitation sa bansa.
Kasunod ito ng pagka-aresto ng dalawang kalalakihan na sangkot sa ganitong aktibidad sa internet.
Ayon kay PNP Women and Children Protection Center Anti – Trafficking in Person Division Chief Senior Superintendent Villamor Tuliao, lubos na naka-aalarma na mismong mga kapamilya pa ng mas maraming kabataan ang nag e-exploit sa kanila.
Kaugnay nito, sinabi ni Tuliao na pinaigting na ng kapulisan ang kampanya upang maproteksyunan ang kabataan laban sa pag-abuso.
Nahuli ang dalawang suspek na nakikipag-negosasyon sa internet para maibugaw ang isang labing pitong (17) taong gulang na babae sa isang parokyano sa Maynila.