Nagpahayag ang Malakanyang ng pagkabahala sa pagtaas ng kaso ng persons under investigation dahil sa sakit na novel coronavirus sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na magsagawa ng pag aaral at suriin kung anong mas magandang pamamaraan para masiguro na hindi makapapasok sa bansa ang naturang virus.
Kinalma ni Panelo ang publiko kung saan sinabi nitong hindi dapat mag alala o mag panic dahil ginagawa ng DOH ang mga pamamaraan para manatiling NCov free ang bansa.
Nagpaalala pa si Panelo na maging maingat ang lahat, panatilihing malinis ang sarili, iwasan ang matataong lugar at palagiang magsuot ng facemask.