Maituturing na ‘alarming’ ang paglobo ng bilang ng mga inabusong kababaihan sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Ayon kay Gabriela Women’s Party Secretary General Lana Linaban, 92 percent ang itinaas ng insidente ng rape mula 5,132 noong 2010 ay lumobo ito sa 9, 875 noong 2014.
Base sa datos na ito lumalabas na isang babae o bata ang inaabuso kada 53 minuto.
Pito aniya sa sampung biktima ay mga menor de edad.
Sa pareho ring panahon naitala ang 200 percent pagtaas sa mga kaso ng paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.
Women’s Day
Samantala, marami pa ring batas na nagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan ang nakabinbin pa rin sa Kongreso.
Ayon kay House Committee on Women and Gender Bulacan Representative Linabelle Ruth Villarica, pito lamang mula sa 66 na bill ang naipasa sa committee level sa 16th Congress.
Ilan dito ay ang pagkakaroon ng crisis center sa bawat probinsya at mga syudad, pagpaparusa sa diskriminasyon base sa sexual orientation at gender identity at pagpapalawig ng maternity leave mula 60 sa 100 araw na may bayad.
By Rianne Briones