Naaalarma ang local government ng Pagudpud sa Ilocos Norte sa pagtaas ng chikungunya cases dito.
Ayon sa Provincial Health Office, pumapalo na sa 164 na kaso ng chikungunya ang naitala nila hanggang nitong nakalipas na buwan ng Agosto.
Sinabi ng Pagudpud local government na tumaas ang chikungunya cases dahil sa matinding ulan dulot ng bagyong Ineng na nakaapekto maging sa buong lalawigan.
Kabilang sa mga sintomas ng chikungunya ay lagnat, sakit ng ulo gayundin ang iba pang bahagi ng katawan.
By Judith Larino