Nagbabala ang mga eksperto sa posibleng marahang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na linggo.
Batay sa pinaka huling ulat ng OCTA research team, posibleng makita ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon at Western Visayas.
Sa mga nakalipas na araw umano ay makikita na ang unti-unting pagtaas ng mga kaso sa nabanggit na mga lugar.
Maliban umano sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa isa sa nakikitang pangunahing dahilan ng unti-unting pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay ang epekto ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo.
Marami umano ang nanatili muna sa mga evacuation center at walang katiyakan dito kung nakasunod ba ang lahat sa health standards dahil na rin sa tinatawag na “pandemic fatigue”.
Gayunman sinabi ng OCTA team na bagama’t maaaring maging dahilan ito ng pagka-alarma ng publiko, nananatili namang