Muling nilinaw ng DOH na wala pang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, III na nakikitaan ng pagtaas ng kaso ng nakakahawang sakit, ngunit hindi pa ito maituturing na surge.
Kaugnay nito, tiniyak ni Duque na mahigpit nilang binabantayan ang paggalaw ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa NCR.
Mimo-monitor natin po, talagang tutok na tutok tayo at nakikita nga natin meron na talagang pagtaas lalo na dito sa NCR. NCR na nga ang may pinakamalaking naambag sa national case rate, nasa 1,100+ na nga tayo netong nakaraang araw, yesterday no? 1,100 something lang. So e week to that nasa mga 650 lang tayo. So may mga 40% na higit kumulang ang itinaas. ”ang tinig ni Health Secretary Francisco Duque, III sa panayam ng DWIZ.