Inihayag ng OCTA research group na bumagal ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) nitong nakalipas na linggo.
Ayon kay OCTA research Fellow Prof. Dr. Guido David, nakapagtala ang metro Manila ng “very slow” o pinakamabagal na pagtaas sa kaso ng COVID-19 kung saan, nasa 74 ang daily average ng mga bagong kaso ng sakit na naitala mula Mayo a-23 hanggang Mayo a-29.
Sinabi ni David na mas mataas ito ng 2% kumpara sa 72 lamang na naitala noong Mayo a-16 hanggang Mayo a-22.
Dahil dito, ang one-week Average Daily Attack Rate (ADAR) sa rehiyon ay tumaas din ng mula 0.52 mula sa dating 0.51 habang ang reproduction number naman sa NCR ay nasa moderate category na ngayon matapos na muling tumaas sa 1.08 mula sa dating 1.02 lamang noong nakaraang linggo.