Ipinahayag ng OCTA Research Group na masyado pang maaga para sabihing magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa NCR.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, gaya noong nakaraang holiday season tumaas din ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 at bahagya ding bumaba pagkatapos ng bagong tao kaya’t wala aniyang dapat ipagkabahala sa ngayon.
Matatandaang nitong weekend, isinailalim ng OCTA ang NCR sa low risk classification matapos tumaas ang seven-day average ng new COVID-19 case sa rehiyon. — sa panunulat ni Joana Luna