Hindi ikinaaalarma ng Malakanyang ang tumataas na bilang ng mga nabibiktima ng sakit na dengue sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma, patuloy ang monitoring ng Department of Health ang insidente ng mga nade-dengue.
Handa anya ang DOH na magbigay ng ayuda sa mga ospital para mapabuti ang pagtugon ng mga ito sa mga dengue patient. Handa rin anya ang mga pampublikong ospital na umalalay sakaling tumaas pa ng lalo ang mga kaso ng dengue sa bansa.
Ayon pa kay Coloma, bagaman mag mga ulat na lumulobo ang dengue cases sa pitong rehiyon, ay bumaba naman anya ang bilang ng mga nabibiktima ng dengue sa 10 rehiyon, kabilang ang MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN at CARAGA.
By: Jonathan Andal