Naaalarma ang Department of Health (DOH) Region 9 sa pagtaas ng kaso ng “lymphatic filariasis” o elephantiasis sa Zamboanga del Norte.
Ayon sa DOH, papalo na sa 50 porsyento ng mga magsasaka sa lalawigan ang tinamaan na ng naturang sakit partikular sa Sibuco, Siocon, Sirawai at Baligian.
Ang elephantiasis ay ang abnormal na paglaki at pamamaga ng paa gaya ng sa elepante na dulot ng parasite na tinawawag na “filarial worm” na naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
By Ralph Obina