Kinumpirma ng Department of Health (DOH), ang pagtaas ng kaso ng food poisoning sa Region 1.
Ayon kay Dr. Myrna Cabotaje, Regional Director ng Department of Health sa Ilocos, ito ay dahil sa pagbili ng mga estudyante sa mga nagtitinda ng pagkain sa bangketa.
Kaugnay nito, iminungkahi ng DOH sa mga paaralan na buksan ang kanilang mga canteen, para hindi na bumili ang mga bata mula sa mga tindera na wala namang kaukulang sanitary permit.
Pinayuhan din ni Cabotaje ang mga magulang na pabaunan na lang ng pagkain ang kanilang mga anak, upang hindi na mapilitang bumili ng pagkain sa labas ng paaralan ang kanilang mga anak.
By Katrina Valle