Ikinaalarma na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tumataas na kaso ng indentity theft sa mga credit at ATM card.
Ayon kay BSP Deputy Governor Johhny Ravalo, Financial Supervisor Research and Consumer Protection Sub Sector, nakatatanggap sila ng lima hanggang sampung reklamo sa mga nakalipas na buwan na may kinalaman sa identity theft.
Karamihan aniya rito ay ang mga hindi otorisadong pagwi-widthraw sa ATM gayundin ang pagbili gamit ang credit card.
Dahil dito, pinayuhan ni Ravalo ang publiko na protektahan ang kanilang Personal Identification Number o PIN gayundin ang passwords sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng mga numerong 1,2,3,4,5,6 magkakasunod man o magkakahalo.
Iwasan din aniyang gamitin ang birthday o mga ispesyal na petsa bilang pin dahil madali itong matandaan o malaman lalo na ng mga kawatan.
By Jaymark Dagala