Walang direktang kinalaman sa mga bagong variant ng coronavirus ang pagtaas ng bilang ng mga nasasawi dahil sa naturang virus.
Ayon ito kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos sumirit na sa mahigit 20,000 ang death toll sa COVID-19.
Sinabi ni Vergeire na isang kaso ng B16172 variant na unang na-detect sa India ay nasawi samantalang 12 naman ay naka-recover.
Samantala dalawang porsyento lamang na natukoy na nagtataglay ng B117 variant na unang na-detect sa United Kingdom ang nasawi at nasa halos 2.1% naman ng South African variant cases ay nasawi.
Ang dalawang kaso naman ng P.1 variant na na-detect sa Brazil ay naka-recover at dalawa sa 169 cases ng P.3 o Philippine variant ay nasawi at ang iba ay recovered na.
Bagama’t kakaunti lamang ang mga nasawi may kaugnayan sa mga bagong coronavirus variant inamin ni Vergeire ang limitasyon pa rin sa pagsasagawa ng surveillance.