Nagpahayag ng pangamba ang Philippine National Police o PNP sa pagtaas ng insidente ng online child sexual exploitation sa bansa.
Kasunod ito ng pagkaaresto ng dalawang kalalakihan na sangkot sa ganitong aktibidad sa internet.
Ayon kay PNP Women and Children Protection Center Anti-Trafficking in Person Division Chief Senior Supt. Villamor Tuliao, lubos na nakaaalarma na mismong mga kapamilya pa ng mas maraming kabataan ang nag-eexploit sa kanila.
Kaugnay nito, sinabi ni Tuliao na pinaigting na ng kapulisan ang kampanya upang maproteksyunan ang kabataan laban sa pag-abuso.
Nahuli ang dalawang suspek na nakikipag-negosasyon sa internet para maibugaw ang isang 17-taong gulang na babae sa isang parokyano sa Maynila.
—-