Walang kinalaman sa kontrobersya sa Dengvaxia ang pagtaas ng kaso ng tigdas sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon ito kay Health Assistant Secretary Lyndon Lee Suy na nagsabi ring maaaring noon pa naitatala ang measles outbreaks at ngayon lamang lumitaw ang epekto nang hindi pagpapabakuna.
Inihayag ni Lee Suy na ipinapakita lamang nito na makikita ang epekto sa kalaunan kapag bigong magpabakuna dahil sa mga pangamba sa pagiging epektibo ng mga bakuna sa mga sakit.
Tiniyak ni Lee Suy ang mga hakbangin ng Department of Health (DOH) para magpakalat ng mga tamang impormasyon hinggil sa bakuna kasabay ang apela sa mga magulang na makinig sa kanila.
—-