Ipinagpapaliban ng isang kongresista ang pagtataas ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) at Pag-IBIG ngayong taon.
Kasunod na rin ito ng desisyon ng malakanyang na ipagpaliban ang pagtataas ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) premium upang makabawas sa “socioeconomic challenges”.
Ayon kay House Deputy Minority leader Representative France Castro, malaki pa rin ang epekto ng inflation sa mga Pilipino bukod pa sa oil price hike at nagbabadyang taas singil sa tubig at kuryente.
Noong lunes nang inanunsiyo ng Malacañang ang suspensyon sa nakatakdang pagtaas ng premium rate ng PhilHealth sa 4.5%.
Ang SSS naman ay may 1 percent increase kaya’t ang contribution rate ay tumaas na sa 14%, habang ang Pag-IBIG naman, mula P100 rate ay tataas ngayong taon ng P150.