Nilinaw ng PhilHealth na ang pagtaas ng kontribusyon ay kailagan para ma-sustain ang kanilang operasyon.
Ayon kay Philhealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo, naiintindihan niya na ngayon pa lamang bumabangon ang ekonomiya mula sa pandemya ngunit dapat nilang maipagpatuloy ang mga programa dahil marami ang natutulungan nito.
Noong kasagsagan aniya ng COVID-19 ay gumastos ang Philhealth ng 22 billion pesos para sa COVID benefits pero hindi nagtaas ang premiums noon.
Igiinit din ni Domingo na ang taas-kontribusyon ay naka-linya sa Universal Healthcare Act kung saan nakasaad dito ang mandatong 0.5% increase sa Philhealth contributions kada taon hanggang sa maabot nito ang 5% limit sa taong 2025.