Ikinatuwa ng Malacañang ang napaulat na pagtaas ng kumpiyansa ng publiko sa bakuna kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos lumalabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Abril 28 hanggang Mayo 2 na 51% ng mga adult Filipinos ay tiwala sa ginawang evaluation ng gobyerno sa COVID-19 vaccines.
Binanggit din sa survey na ang 58 percent ng mga Pinoy na tiwala sa pagbusisi ng pamahalaan sa mga COVID-19 vaccines ay nagsabing handa rin silang magpaturok ng bakuna.
Dahil dito, sinabi ni Roque na patuloy nilang kukumbinsihin ang publiko na magpabakuna laban sa impeksiyon.