Inaasahan ang uptick o pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong buwan o sa Setyembre.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, asahan na ito sa muling pagbubukas ng klase, na nangyari rin sa sitwasyon ng ibang mga bansa.
Magsisimula sa Agosto 22 ang Academic Year 2022-2023.
“Sa atin hindi natin masasabi kung ilan yung sa mga bata. Dati kasi nakatago sila, nakakulong sila ng over the pass 2 years so it’s posible na marami pa o mayroong pang mga wala pa antibodies, hindi pa vaccinated or hindi pa nahawaan. So magkakaroon ng inspection dito sa mga ‘yan, lalo na yung wala pang anti bodies,” ani David.
Sinabi pa ni David na ang pagtaas ng mga kaso ay bahagi na ng pamumuhay ng mga tao kasama ang virus.
Hindi rin aniya maaaring lagi na lamang na nakakulong ang mga bata at maapektuhan ang kanilang edukasyon.
“Kailangan syempre, nakaayos yung ating mga protocols for face to face classes, ‘yan na lang yung masasabi natin. Kung nakaayos naman, atleast alam natin yung gagawin ‘pag nagkaroon ng outbreak sa school. More or less, ganon talaga, it will happen, karamihan naman ng cases ay mild or asymptomatic,”