Nanawagan sa gobyerno ang ilang employers na ipagpaliban muna ang panawagang itaas sa 1,007 ang minimum wage sa Metro Manila.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Secretary General Alan Tanjusay na ilang employer ang nakiusap sa kanila na i-delay ang panawagang dagdag sahod.
Pero sa kabila nito, aminado si Tanjusay na tututol dito ang mga empleyado dahil marami na rin ang hirap dahil sa COVID-19 pandemic. – sa panulat ni Abby Malanday