May posibilidad na tumaas muli ang kaso ng COVID-19 bunsod ng pagtaas ng mobility ng publiko.
Ito, ayon kay Dr. Ted Herbosa, Medical Adviser ng National Task Force against COVID-19, sa panayam ng DWIZ, kaya’t binigyang diin nito ang tamang pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang hawaan ng Covid-19.
Maliban dito, sinabi pa ni Herbosa na bumaba rin ang COVID-19 testing output ng bansa.