Itinanggi ng Grab ang reklamo ng kanilang mga pasahero na tumaas ang kanilang pasahe simula nang suspendihin ang Uber.
Ayon kay Grab Philippines Country head Brian Cu, walang pagdoble sa presyo ng booking fee bagkus ay naging mahirap ang pag-book sa kanila dahil sa laki ng demand.
Kasabay ng pagtitiyak na i-mo-monitor kung mayroong pagtaas sa pasahe, hinimok ni Cu ang kanilang mga tagatangkilik na magsumbong sakaling makaranas ng overcharging.
Magugunitang itinakda ng Grab sa “1.4 times” ang surge pricing simula nang magkaroon ng mga reklamo noong pasko.
Samantala, nasa 1000 Transport Networking Vehicle driver na karamiha’y mula sa kakumpitensya na Uber ang lumipat sa Grab.
By: Drew Nacino
SMW: RPE