Asahan na ang lima (5) hanggang 10 porsyentong pagtaas ng bilang ng mga pasaherong dadaan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang papalapit ang kapaskuhan.
Ayon ito sa NAIA, bagama’t nararamdaman na aniya ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero mula sa dalawa (2) hanggang pitong (7) porsyento nitong mga nakalipas na araw dahil sa holiday rush.
Ilan sa mga pasahero ang kailangang pumila ng isang oras para lamang makapasok sa gate ng NAIA.
Dahil dito, kanselado ang leave ng lahat ng mga empleyado ng airport samantalang itinayo na ang e-gates para mapaikli ang proseso sa Immigration.