Umakyat ng 11.8% ang personal remittances ng mga Overseas Filipino Workers sa unang quarter ng taon.
Ito ang masayang ibinalita ng Malacanang , batay sa impormasyong ipinarating ng Bangko Sentral ng Pilipinas .
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang mataas na remittances ay nagpalago sa year-on-year-growth ng 11.8% sa personal remittances na nagkakahalaga ng $2.9 Billion noong March 2017.
Sinabi ni Abella na katumbas ito ng 8.1% increase sa total personal remittances sa unang quarter ng 2017 na nagkakahalaga ng $7.7 Billion Pesos.
Pinasalamatan ng Palasyo ang mga OFWS sa tulong na naibigay sa bayan at tiniyak ni Abella na susuklian ng Duterte administration ang sakripisyo ng mga ito.
By: Aileen Taliping