Aarangkada na ang pagtaas ng produktong petrolyo simula bukas, Nobyembre 2.
Magpapatupad ng taas presyo ang kumpanyang Caltex, Shell, Sea Oil at Cleanfuel ng piso at 15 sentimo kada litro ng gasolina (P1.15/l).
Magbabawas presyo naman ang kumpanyang Caltex, Shell at Seaoil ng 30 sentimo (P0.30/l) kada litro ng diesel habang 35 sentimo kada litro ang kumpanyang Celanfuel.
Magiging epektibo ang bagong presyo mamayang hatinggabi para sa kumpanyang caltex habang alas-sais ng umaga bukas ang Shell at Seaoil at alas-kwatro ng hapon bukas ang Cleanfuel.
Samantala, simula alas-kwatro ng hapon ngayong Lunes, tataas ng tatlong piso at sampung sentimo (P3.10) ang kada litro ng LPG habang piso at 73 sentimo naman sa kada litro ng AutoLPG ayon sa Petron.—sa panulat ni Airiam Sancho