Pinasisiyasat nila Bayan Muna Representatives Carlos Zarate at Ferdinand Gaite ang kwestyunableng pagtaas ng kontribusyon sa Philhealth ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Base sa ginawang computation ng mga migrant groups, lumalabas na napipilitan ang mga OFWs na maglabas ng P50,000 para sa premium contribution sa Philhealth.
Mistula din anilang ‘hostage’ ang mga OFWs dahil bago sila ma-isyuhan ng overseas employment certificates (OECs) at makaalis ng bansa ay kailangan mabayaran muna ang kontribusyon.
Giit nila Zarate at Gaite, dagdag pasakit ito sa mga OFWs lalo na ang mga mahihirap na mauuwi lamang sa pagkabaon sa utang sa halip na tulungang makabangon ng gobyerno.
Dagdag pa ng mga kongresista, dapat unahin munang tugunan ng PhilHealth ang anomalya sa pagkaubos ng kanilang pondo dahil sa mga ‘ghost patients’ at ‘ghost dialysis’ imbes na pahirapan ang mga OFWs —ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)