Sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtaas sa pork importation sa bansa.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais ng Pangulo na gawing 350,000 metric tons ang aangkatin na baboy mula sa dating 54,000 metric tons.
Dagdag ni Roque, sumulat na sa kongreso ang Pangulo sa pagtaas ng minimum access volume o dami ng mga karneng baboy na iaangkat ng bansa.
Ang naturang desisyon ay para maging stable ang suplay ng baboy at bumaba ang presyo ng mga ito.
Samantala, sinabi ni Roque, na nakadepende sa kongreso kung papayagan ang kahilingan ng Pangulo. — Sa panulat ni Rashid Locsin.