Ibinabala ng National Economic Development Authority o NEDA ang lalong pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin habang papalapit ang holiday season.
Ayon kay Mercedita Sombilla, Agriculture Management Staff ng NEDA, bagsak ang produksyon ng bigas ngayong taon dahil sa kakulangan ng pag-ulan dulot ng El Niño phenomenon na posibleng lumala pa.
Daan-daang ektarya na aniya ng lupang sakahan ang hindi natamnan sa unang anim na buwan ng taon kaya’t kakapusin o ang rice production kumpara noong 2014.
Nagsimula nang mag-angkat ang Pilipinas ng bigas mula sa ibang bansa bilang paghahanda sa inaasahang pagtaas ng demand lalo sa holiday season.
El Niño
Asahan na ang pag-angkat ng karagdagang bigas ng Pilipinas upang matiyak na sapat ang rice supply at bilang paghahanda sa epekto ng El Niño phenomenon sa agrikultura.
Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary at NEDA Director-General Arsenio Balisacan, magtatagal ang epekto ng tagtuyot hanggang kalagitnaan ng taong 2016 o mas matindi sa epekto ng El Niño noong 1997.
Ang pinagsama anyang epekto ng 1997 El Niño phenomenon at Asian financial crisis ang naging sanhi ng pagbaba sa 23-percent decrease ng agricultural output at the pagtaas ng domestic prices lalo ng pagkain sa Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Balisacan na nais lamang makatiyak ng gobyerno na hindi na mauulit ang krisis noong 1997 kaya’t ikinakasa na nila ang pag-aangkat ng karagdagang rice supply.
By Meann Tanbio | Drew Nacino