Idinipensa ng Department of Trade and Industry ang pag apruba nila sa pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, matagal nang nakabinbin sa kanila ang kahilingan ng ilang manufacturers na makapagtaas ng presyo subalit palagi nila itong napapakiusapan.
Halimbawa na lamang anya ang instant noodles na noong 2012 pa huling nakapagtaas ng kanilang presyo sa kabila ng pagtaas na ng presyo ng kanilang raw materials at labor.
Samantala, nilinaw ni Castelo na sa susunod na linggo pa dapat makita sa mga supermarket ang pagbabago ng presyo ng noodles, sardinas, bottled water at kandila dahil lumang stock pa ang ibinebenta sa ngayon.
Mula singkuwenta sentimos hanggang piso ang nadagdag sa presyo ng instant noodles, sardinas, nakaboteng tubig at kandila, batay sa ipinalabas na suggested retail price ng DTI.